News

March 31, 2023, Huling Araw ng Pagbabayad ng Buwis para sa Lupa, Bahay at Makinarya

Ipinababatid ng Lucena City Treasurer’s Office sa lahat ng may-ari ng lupa, bahay at makinarya na ang katapusang araw ng pagbabayad ng buwis ay sa ika-31 ng Marso taong kasalukuyan para sa unang hulugan o 1st Quarter.

Simula naman sa unang araw ng Abril taong kasalukuyan ay magkakaroon ng dagdag na pataw o rekargo ang nasabing bayarang buwis.

Kaya naman hinihiling ng tanggapan sa mga kinauukulan ang maagang pagbabayad sa nasabing buwis upang hindi na ito magkaroon pa ng penalty.

Para naman sa karagdagang impormasyon bukas ang tanggapan ng Lucena City Treasurer’s Office para sa anumang katanungan.

Pin It on Pinterest