NewsSports

Huskers, pinakaba ang home crowd; wagi sa Tigers sa OT

Pinakaba ng Quezon Huskers ang basketball fans sa Quezon Conventer Center nang umabot pa sa overtime ang kanilang laban kontra sa Davao Occidental Tigers sa main event ng Maharlika Pilipinas Basketball League, Setyembre 9.


Abante ang Huskers simula sa first quarter at nag-iwan pa ng 24 puntos na kalamangan sa pagtatapos ng 3rd quarter.
Nanlamig ang Huskers sa 4th quarter habang nag-init naman ang mga shooters ng Tigers na sina Kenneth Ighalo, Mark

Tallo, at Keith Agovida na nanguna sa 34-10 run na nagbura sa ibinaong kalamangan ng top seeded team, 80-80 end ng regulation.


Sa overtime, dito na nagparamdam si Louell Jay Gonzales ng Huskers sa kanyang magkasunod na basket dahilan para umabante at hindi na makasagot ang Tigers.


Sa huli, nanaig pa rin ang home team, 92-85.


Pinangunahan ni Mr. Consistent Judel Ric Fuentes ang Huskers na nagpakawala ng siyam na three-pointers at nagrehistro ng kanyang season-high 38 points habang nag-ambag naman ng 15 puntos si Gonzales.


Nasungkit ng Huskers ang kanilang 20th win at muling nanguna sa South Division ng Liga habang naitala naman ng Tigers ang kanilang ika-11 na talo, bagsak sila sa 7th seed.


Muling babalik ang Huskers sa Quezon Convention Center sa September 14 para naman harapin ang powerhouse team na Pampanga Giant Lanterns.

Shawe Reyes

SHERWIN REYES reyesmsherwin@gmail.com 0945-576-2236

Pin It on Pinterest