National News

Sen. Hontiveros, hindi naniniwalang walang tumulong na Pilipino sa pagtakas ni Alice Guo

Hindi naniniwala si Sen. Risa Hontiveros na walang Pilipinong tumulong para makalabas ng Pilipinas si dismissed mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.


Iginiit ni Guo na bukod sa bangka, sumakay rin sila sa isang yate bago lumipat sa malaking barko palanas ng Pilipinas.


Kinuwesyon ng mga senador kung sino ang nangasiwa nang pagtakas ng dating alkalde ngunit hindi niya ito tuwirang sinagot at sinabing nangangamba siya sa kanyang kaligtasan dahil may mga natatanggap na siyang ‘death threat kaya ipinasulat na lamang ni Hontiveros sa papel ang pangalan ng kasabwat nito.


Nanindigan si Guo na hindi Pilipino o walang Pilipino na sangkot sa kanyang pagtakas patungo sa Indonesia.
Bagay na hindi naman pinaniwalaan ni Hontiveros.


“Mukhang malalim pa ang hahalungkatin natin para maabot ang katotohanan. At Guo Hua Ping, alias Alice Guo- kahit anong subok mo, hindi mo maipapaikot ang Senado,” saad ng mambabatas.


“Hindi ako naniniwala na walang Pilipino ang tumulong para makalabas ka ng Pilipinas.
Hindi ako naniniwala na walang opisyales ng gobyerno ang tumulong sayo,” dagdag pa niya.


Muling ini-cite in contempt ni Hontiveros si Guo dahil sa patuloy nitong pagsisinungaling sa Senado hinggil sa POGO at totoo nitong pagkatao.


“Hanggang di ka mag sabi ng totoo, Guo Hua Ping, your contempt citation stands. At kung Ikaw ay totoong natatakot para sa buhay mo, sa tingin ko- ang pagsasabi ng katotohanan ang mas makakaprotekta sa yo,” pagtatapos ni Hontiveros.

Pin It on Pinterest