LocalNews

4 na pulis, sugatan sa engkwentro sa Guinayangan

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Guinayangan na nasugatan ang apat na pulis sa naganap na engkwentro sa Barangay Manggagawa, Marso 28.

Sa opisyal na pahayag ni Mayor Maria Marieden Isaac, isa sa mga pulis na nasugatan ang taga-Guinayangan habang ang tatlo naman ay mula sa ibang lugar.

Nangyari umano ang engkwentro nang isilbi ang warrant of arrest sa mga suspek na wanted sa Bicol Region.

Ang mga suspek umano ay nagtago lamang sa naturang bayan ng ilang buwan gamit ang mga pekeng pangalan.

Sa gitna nang patuloy na hot pursuit operation ng mga awtoridad sa bulubundukin ng munisipalidad, ipinabatid ng alkalde na nagdagdag na ng pwersa ng kapulisan at nakipag-ugnayan na rin sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Hinihikayat naman niya ang publiko na ipagbigay-alam lamang sa kinauukulan kung sakaling may makuhang impormasyon sa mga salarin.

Pin It on Pinterest