News

Lalaki Patay, Matapos Mabangga ng Motorsiklo ang Sinasakyang Bagon ng Kalabaw sa Tiaong, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos masalpukan ng isang motorsiklo ang sinasakyang bagon ng kalabaw sa Marcial Punzalan Jr Road, Brgy. Paiisa, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Napoleon Perez, 55-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bandilyo.ph sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na papunta sana sa westbound direction ang bagon na sinasakyan ni Perez nang aksidenteng mabangga ang likurang bahagi ng bagon ng motorsiklo naman ni Angelo Solius, 25-anyos.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan si Perez kung kaya agad na dinala sa pagamutan ngunit idineklara nang dead-on-arrival ng mga doktor. Nag-usap na ang magkabilang pamilya sa planong mag-areglo na lamang matapos ang insidente.

Pin It on Pinterest