Lucbanin, humakot ng medalya sa Palarong Pambansa
#PalarongPambansa | Bumawi ang pambato ng Calabarzon na si Vince Jacob Racelis mula sa Paaralang Elementary ng Lucban 6 sa huling araw ng track event nang masungkit niya ang inaasam na ginto.
Napanalunan ni Racelis ang gold medal sa 4×10-meter relay kasangga ang mga runner mula sa Rizal Province at Dasmariñas City na sina Andrey Aquino, Joseph Cerbito, at Rhaine Sarte.
Naging mailap ang ginto sa batang Lucbanin sa kanyang mga naunang kompetisyon. Sa ikatlong araw, ng event, silver medalist siya sa 400m hurdles habang nagtapos naman siya sa ikatlong pwesto sa 1500m run noong 4th day.
Labis ang naging panghihinayang ng 12-year old student athlete sa ikalimang araw nang pumangalawa lamang siya para sa pilak na medalya sa kanyang 800m run.
Patuloy na nagpursige si Racelis hanggang nakabol ng gintong medalya sa huling araw ng event.
“Isang malaking pasasalamat! Nagbunga po ang ating panalangin, lubos niyong tiwala, at walang hanggang suporta,” pahayag ng coach niyang si Nelson Sario.

