Security guard na pinatay sa Cavite, itinapon sa fish pond
Wala nang buhay nang matagpuan sa fish pond sa Kawit, Cavite ang isang security guard na napaulat na nawawala.
May taga sa braso at ulo ang biktimang kinilalang si Alyas Rommel nang iahon sa fish pond. Nakita pa sa crime scene ang logbook at coffee kettle nito.
Batay sa imbestigasyon, nakipag-inuman ang security guard sa suspek at nagkaroon nang pagtatalo na nauwi sa karumal-dumal na krimen.
Sa porma nang biktima, tila sinubukan pa nitong salagin ang pananaga sa kanya.
Naaresto naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga biktima.