LocalNews

E-Konsulta Service, ipinakilala sa Coconut Farmers ng Gumaca

Kaugnay nang patuloy na pagkilala sa sektor ng agrikultura sa Gumaca, Quezon, naging benepisyaro ang ilang coconut farmers sa serbisyong pangkalusugan sa pangangasiwa ng pamahalaang lokal katuwang ang PhilHealth at Philippine Coconut Authority (PCA).

Tampok sa programa ang Orientation on Universal Health Care (UHC) Law at pagpapakilala ng E-Konsulta Service—isang inisyatibong naglalayong palawigin ang access ng mamamayan, lalo na sa mga nasa kanayunan, sa abot-kayang serbisyong medikal.

Nagkaroon din ng assisted batch registration at Work on Wheels program para sa mga coconut farmers mula sa Ika-apat na Distrito ng Quezon para sa mas madali nilang pag-access sa mga benepisyo.

Isinagawa rin dito ang Ceremonial Distribution ng PhilHealth Member Data Record (MDR) at PhilHealth ID sa mga magniniyog na naglalayon ding maisama sila sa benepisyo ng Universal Health Care.

“Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno upang matiyak ang pangangalaga sa kalusugan ng lahat na patuloy ring isinusulong ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng paghahatid ng abot-kamay, maaasahan, at inklusibong serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan,” paglalahad ng pamahalaang lokal. //via Gumaca Public Information Office

Pin It on Pinterest