3 lalaki, arestado sa pagnanakaw, pagkatay sa isdang nagkakahalaga ng P7-M
Arestado ang tatlong lalaki matapos nakawin sa fish pond sa loob ng isang resort sa Brgy Bantigue, Pagbilao, Quezon ang isang mahahaling isda.
Ang isda ay kinatay ng mga suspek na pare-parehong manggagawa sa naturang resort.
Adult arapaima ang isda na tinatayang nasa 25 taong gulang, may habang 6.7 feet at humigit kumulang 90 kilograms. Batay sa report ng pulisya, ang presyo nito ay nagkakahalaga ng ₱7 milyon.
Madaling araw raw nitong Hulyo 6 nang mangyari ang pagnanakaw. Nakatanggap ang mga awtoridad ng tawag buhat sa guwardiya ng resort.
Ilang saksi umano ang nakakita sa mga suspek na kinilalang si alyas Dennis, Avin at Edwin na pinatutlungang buhatin ang malaking isda na dinala sa isa sa bahay na loob din ng resort.
Ang mga suspek kaagad ding nadakip at nahaharap sa kasong Qualified Theft.
Ang ilan sa nahuli, aminado sa pagnanakaw at hindi raw nila alam kung anong klaseng isda ang kanilang kinuha. Humihingi sila ng tawad sa may-ari.
Ang isa mga suspek itinanging kasama sa pagnanakaw at sinabing kasama lang daw ng iba pang nahuli sa trabaho.
Ang arapaima ay isa sa mga pinakamalaking freshwater fish o isdang-tabang sa buong mundo.
Ang mga fingerlings na mg isadang ito ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱3,500 hanggang ₱7,000 habang ang mga adult ay umabot sa milyon-milyong piso ang halaga depende sa laki at edad.

