News

CENRO Tayabas hinimok ang ilang Tayabasin na maging responsible sa pagtatapong ng basura

Isang river clean-up activity na inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon Province ang isinagawa sa Brgy. Lita, Tayabas City na sinuportahan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, ilang concerned community, at indibidwal.

Bitbit ang mga sako at nagsuot ng guwantes ang mga nakiisa sa nasabing aktibidad.

Karamihan sa mga nakulektang mga basura mula sa ilog ay non-biodegradable o yung mga basurang hindi nabubulok gaya ng plastik, disposable diaper, at iba pang mga dumi.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Tayabas City ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura sa komunidad.

Anila, halos dalawampung (20) taon nang may bisa ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, kaya dapat ay naitanim na ito sa isipan at puso ng bawat indibidwal.

Dagdag pa nila na ang tamang pagtatapon ng basura ay hindi nag-iisang responsibilidad ng gobyerno, kundi maging ng bawat indibidwal, lalo na ng host communities.

Pin It on Pinterest