News

Iligal na droga, isyu sa lupa at utang ang ilan sa motibo sa mga insidente ng pamamaril sa Lucena City

May kaugnayan sa iligal na droga, bentahan ng lupa at pagkakautang ang mga motibong tinitingnan ng Lucena PNP sa mga insidente ng pamamaril sa Lucena City base yan sa inisyal na imbestigasyon ng Lucena Police ayon kay Plt. Col. Ericson Roranes ang hepe ng Lucena PNP.

Sa mga nagdaang araw naging sunod-sunod ang shooting incident sa lungsod ng Lucena kung saan apat ang nasawi at 2 sugatan ang mga suspek mga riding in tandem.

Noong umaga ng May 9, 2023, patay ang mag-ama sa Barangay Mayao Castillo nang pagbabarilin habang sakay ng tricycle. Nadamay ang 12-anyos na batang babae na ihahatid lang sana sa eskwelahan ng kanyang ama.

Iligal na droga ang tinitingnang motibo sa pamamaril.
‘’Yung imvolvement po sa iligal drugs.”

Kinabukasan, May 10, pasado alas siyete ng umaga sa Barangay Isabang, isang 48-anyos na lalaki na kinilalang si Dennis Amat ang pinatay din ng de motorsiklong salirin habang papauwi sa kanilang tahanan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, may kinalaman sa trabaho nito at sa pagbebenta ng lupa ang tinitingnang motibo sa pagpatay.

“Posible motive sa initial imbestigasyon na nakikita natin ay may konekta doon sa land issue, ang grupo nitong si Amat ay kumbaga may mga hindi napagkasuan sa kanilang mga previously na kausap regarding sa lupa.”

“Yung pagtatrabaho nya sa pagsusukat ng lupa kasi allegedly yung ibang naibebenta nilang lupa ay hindi maayos yung papeles pati mga permits.”

Ang biktima ay dati ng naaresto at nakulong na may kaunayan sa kaparehong usapin.

Gabi ng May 11, sugatan ang dalawang lalaki sa Barangay Ibabang Iyam nang pagbabarilin din ng riding in tandem ang isang biktima ay tinamaan lamang ng ligaw na bala ang nagngangalang Jordan Pilar ang umanoy target.

May kaugnayan sa iligal na droga at love triangle ang tinitinggang motibo sa pamamaril.

Umaga ng May 16, 2023 patay din sa pamamaril ang 33-anyos na lalaking si Charles Moises Vidal sa bahagi ng Purok Narra Barangay Isabang ang mga pagkakautang ng suspek ang isa mga titingnang motibo sa pagpatay, nakakatanggap na raw ng deathreat ang biktima.

Ayon sa Hepe ng Lucena Police patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon.

Sinabi ng Plcol. Col. Roranes sa kaso ng pagpatay kay Dennis Amat base sa nakuhang CCTV Photage sa pamamaril at sa mga dinaan ng mga suspek at sa ibang nakalap na ibedensya may person of interest na raw silang tinitingnan.

Sa angulong iligal na droga, inaalam at patuloy na kumakalap ng ebidensya kung magkakaugnay ba ang pangyayari.

Patuloy raw ang pagsisikap ng Lucena PNP upang maresolba ang mga krimen na ito.

May tracking team na raw na binubuo upang mahuli ang mga salarin.

Sinabi ng hepe ng Lucena PNP, bagamat sunod-sunod, isolated lamang raw ang pangyayaring ito, hindi raw dapat maalarma ang mamamayan ng Lucena City.

Sinabi ni Roranes dinoble na raw nila ang police visibility sa lungsod araw at gabi majority raw ng kapulisan ng Lucena City Police Station ay nasa lansangan.

Mas pinalawak ang pagpapatupad na ng random checkpoint sa iba’t ibang lugar at oplan sita mas pinaigting rin daw ang pag-aaplay ng search warrant sa mga posibleng may hawak ng mga hindi lisendyadong baril, pinalawig ang pagmamanman sa mga gun for hire sa lungsod at iba pang mga preemptive measure.

Pin It on Pinterest