News

Accommodation Establishments sa bayan ng General Nakar, pinaghahanda para sa dagsa ng mga turista

Kahapon, April 4, 2023 nagsagawa ang bayang ng General Nakar mula sa atas ni Mayor Esee Ruzol ng isang pagpupulong sa mga nagmamay-ari ng AEs o Accommodation Establishments sa loob ng nasabing bayan.

Kasama at nakiisa ang mga Punong Barangay mula sa Brgy. Pamplona at Brgy. Catablingan na sina Kgg. Alejandro Baylon, at Kgg Gervacio Astejada.

Ang pagpupulong na ito ay naglalayon ng patuloy na bigyan ng kahandaan ang mga may-ari ng AEs (Accommodation Establishments) upang maging maayos at manatiling ligtas ang lahat ng turistang magtutungo sa bayan ng General Nakar.

Ito ay kaugnay na rin sa pagtitiyak ng maayos at ligtas na Oplan SUMVAC Lakbay Alalay 2023 sa bayan ng General Nakar.

Pinangunahan ni Senior Tourism Operations Officer Jonathan Saynes ang pagpupulong kung saan nagbigay siya ng mga kaalaman upang higit na maibigay sa mga turista ang tama at angkop na paglalaan ng serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga turista at nang sa ganoon ay magkaroon sila ng masayang karanasan.

Sa pagpupulong ay dumalo at nagbigay din ng pagtalakay si MDRRMO Ting Astrera, kung saan ay nagpaalala siya upang patuloy na mabigyan ng pag-iingat ang mga turista.

Binigyan diin din niya ang mga ordinansa tulad ng pagkakaroon ng life saver/life guard sa lahat ng mga operating resorts at mga kagayang pasilidad.

Pin It on Pinterest