News

Anak ni VP Leni, Hiningi ang Suporta ng Iba’t ibang Sektor sa Lucena City sa Pagkapangulo ni Robredo

Humarap sa isang People’s Assembly sa Lucena City si Dra. Tricia Robredo, ang ikalawang anak ni Presidential Aspirant Leni Robredo, upang ikampanya ang ina.

Sa harap ng mga taga suporta at ng mga nagsusulong ng kampanya ng kandidatura ni VP Leni sa pagkapangulo sa halalan sa darating na Mayo 9, sinabi nitong sa kabila ng mga batikos at paninira sa social media sa kanilang ina, buong puso pa rin daw nilang magkakapatid na ipapahiram pa ng anim na taon ang kanilang ina sa taumbayan bilang public servant. Nasa puso raw kasi ni Robredo ang maglingkod sa mamamayang Pilipino.

Inihayag ng anak ni Robredo ang mga nagawa na ng kanyang ina bilang Ikalawang Pangulo lalo na sa pagtugon sa pandemya, inilatag ang mga planong gawin ni Robredo sa bansa at mamamayan na tutugon sa pag-angat ng buhay ng lahat.

Iba’t ibang sektor ang dumalo sa assembly mula sa hanay ng mga kakabaihan, nakakatanda at mga kabataan. Pinasalamatan ni Dra. Tricia ang lahat ng nagtataguyod at naniniwala sa laban ng kanyang ina at sinabing ipagpatuloy lang kampanya habang papalapit ang eleksyon. Sinabi nitong lalong dumarami ang mga nainiwala sa kanditura ni VP Leni na mararamdam sa mga campaign rally na kanilang pinupuntahan. Huwag daw mabahala sa survey result at tuloy lang daw sa kampanya. Noong March 5, mainit na tinanggap ang ikalawang anak ni Robredo sa Barangay Cotta sa Lucena City, kung saan ginanap ang assembly.

Pin It on Pinterest