News

Paghingi ng ‘Advance Topic’ sa Debate, Walang Laman Ang Utak na Pahayag ni Prof Clarita Carlos na Sinang-ayunan ng Ilang Lucenahin

Naniniwala ang ilang Lucenahin na walang laman ang utak ng mga kandidatong nanghihingi ng “advance topic” sa mga debate.

“’Wag na silang tumakbo kung hindi nila alam ang isasagot ng magtatanong na halimbawa ‘yung tungkol dito sa ating mga issue na sa ating bayan kaya nga sila tatakbo kaya nilang gawan ng solusyon o paraan.”

“Malamang ay mahina dahil wala naman silang naibibigay na ayuda eh.”

Para naman kay Nanay Jackie, on the spot dapat ang mga question sa debate kapag ikaw ay nais mong maging lider ng bansa. Dahil katwiran niya kung sa tanong pa lang ay kaya mong sagutin ibig sabihin ay kaya mong gumawa ng solusyon pag dumating na ang pagsubok sa bansa.

“On the spot dapat, hindi kailangan nung may kodigo,” pahayag ni Nanay Jackie.

Naniniwala naman ang batikang propesor na si Clarita Carlos na walang laman ang utak ng mga kandidatong nanghihingi ng “advance topic” sa mga debate.

Pahayag ito ni Carlos sa gitna ng hirit ni Presidential Candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mabigyan ng advance na impormasyon sa kung ano ang magiging format ng ikinakasang debate ng Commission on Elections o COMELEC.

Una rito, sinabi ng Comelec na bibigyan na nila ng abiso ang presidential candidates ng general topics na tatalakayin sa debate.

Payo ni Carlos sa mga kandidato, magbasa ng international politics.

Matatandaang tinanggihan ni Marcos ang lahat ng debate maliban na lamang sa inorganisa ni Pastor Apollo Quiboloy.

Pin It on Pinterest