Antipolo City, Rizal binista ng mga opisyales ng Patnanungan, Quezon
Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, si Mayor Roderick Larita ng bayan ng Patnanungan sa Lalawigan ng Quezon nang mapili nito na gawing LGU model ang lungsod ng Antipolo sa isinagawang Lakbay-Aral kamakailan. Kasama ang iba pang 49 na delegado, pinag-aralan ng mga taga-Patnanungan ang “best practices” ng Antipolo pagdating sa wastong pamamahala ng mga basura katulad ng segregation, recycling at composting gamit ang mga Materials Recovery Facility (MRF) at Waste Transfer Station ng lungsod na nasa iba’t ibang barangay.
Sa pangangasiwa ng Antipolo City Environment and Waste Management Office (CEWMO), binisita ng grupo ang mga malalagong gulayan at MRF sa mga barangay at paaralan gayundin ang Waste Transfer Station na matatagpuan sa Brgy. San Luis. Kaugnay nito, ibinahagi rin sa mga delegado ang tamang pag-iimbak ng mga basurang toxic at hazardous sa mga MRF. Ginawaran ang lungsod ng Antipolo noong 2016 ng Environmental Compliance Audit Platinum Award at Manila Bayani Award bunsod ng maigting na implementasyon sa siyudad ng mga batas at ordinansang pangkalikasan.
Nagpasalamat naman ang Antipolo City Mayor dahil sa pagdami ng mga munisipalidad at kalungsuran na nais bumisita sa Antipolo dahil kanilang maka-kalikasang programa na ipinatutupad sa mga komunidad.