News

Zero backlog target sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon

Sa ilalim ng pamumuno ni Vice Governor Anacleto Alcala III bilang presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, nais nilang walang mabibinbin na mga panukalang ordinansa.

Sa panayam sa bise gobernadora, sinabi nitong ang mga nakalendaryong usapin sa kanilang bulwagan ay dapat daw na matapos sa takdang oras.

“Kailangan mayroong timeline, mayroon akong kalendaryo pati ang mga bokal, mayroon kaming sinusunod na dapat zero backlog tayo. Ayaw namin na may mga pending legislation,” sabi ni Vice Gov. Anacleto Alcala III.

Ang pagpapasa ng mga ordinansa, kailangan idaan sa tamang proseso. Bago pagtibayan sa plenaryo ng Sangguniang Panlalawigan, sabi ni Alcala ay hindi maaaring hindi idaan sa committee o public hearing. Sa deliberasyon sa plenarayo, lahat ng miyembro ng legislative body ay malaya sa kanilang mga damdamin at opinyon.

“Pangunahin diyan kapag na i-agenda irerefer natin sa tamang komitiba at ang komitiba naman ay magco-conduct ng committee hearing o public hearing, makalaon naman ay ipipresenta n’ya ulit sa pangalawang pagbasa sa plenaryo upang ma-improve pa at makinig ang opinyon ng bawat bokal,” ani Alcala.

Sa ilalim ng pamumuno ni Third Alcala bilang presiding officer sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, nangyari ang isang makasaysayang tagpo sa lalawigan na bihirang mangyari ang pagsasama ng 2 legislative bodies para sa isang joint session para sa isang usapin.

Kamakailan lang nagkaroon ng joint session ang Sangguniang Bayan ng Pagbilao at Sangguniang Panlalawigan ng Quezon upang bumalangkas at bumuo ng isang ordinasa na humihiling sa Pangulo ng bansa sa paghinto ng condonation upang masingil nang buo ang pagkakautang sa buwis ng isang power plant sa Pagbilao.

Ang mga ganitong pagkakataon, o pagsasama ng dalawang kapulungan para tumalakay sa isang usapin sabi ni Vice Governor Third ay bukas sila sa iba pang mga bayan.

Pin It on Pinterest