News

Circumferential Road at iba pang mga proyekto, pinasinayaan sa Dolores, Quezon

Pinasinayaan na ni Quezon Governor Angelina Tan ang bagong circumferential road sa Brgy. Bulakin II, Dolores, Quezon nitong Huwebes.

Ayon sa Quezon provincial government, ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng mahigit limang milyong piso, at may sukat na mahigit 300 meters na nakapaloob sa 3.5 hectares na lupa.

Magsisilbi umano itong access road para sa mga itatayong community facilities tulad ng Faith Facility, Agricultural Facility, Tourism Service Center at Mega Health Center.

Naging posible umano ang road project sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan, katuwang ang Department of Health Region IV-A.

Samantala para sa mas maaayos na solid waste management., isang bagong garbage truck ang ipinagkaloob din ng provincial government sa bayan ng Dolores.

Habang maaari na ring magamit ang Multi-Purpose Building — ang Kinabuhayan Barangay Hall at ang Health Center sa Brgy. Pinagdanlayan matapos din itong pasinayaan nitong Huwebes.

Patuloy naman umano ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga posibleng tourism projects na maaaring gawin sa naturang bayan.

Pin It on Pinterest