News

Baril at daan-daang bala, nakuha sa isang Senior Citizen sa Sampaloc, Quezon

Arestado ng Quezon Pulis ang isang Senior Citizen sa Sampaloc Quezon sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, matapos itong makuhaan ng baril at mga bala.

Sa report ng Quezon Police Provincial Office sa bisa ng isang search warrant operation na isyu ni Hon. Judge DONALD S. UY, Presiding Judge of Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Mauban, Quezon na inilabas noong October 12, 2022, , tumambad sa mga awtoridad ang armas at daan-daang bala ng baril sa tahanan ng 76-anyos na si Luisito Abcede Salayo, retiradong sundalo at nakatira sa Barangay San Isidro ng nabanggit na bayan.

Dinakip ng mga operatiba ng Quezon Pulis ang suspek matapos itong bigong magpakita ng mga dokumento sa pagtatago ng baril at mga bala.

Nakumpiska sa posesyon ng naturang suspek ang isang kalibre 38 revolver, 230 piraso ng Caliber 5.56 live ammunition, 14 piraso ng Caliber 38 live ammunition, 3 piraso ng Cal super 38 live ammunition, 7 piraso ng magazine ng cal 5.56, 2 piraso ng magazine ng carbine at 1 piraso ng bandolier.

Ang suspek ay nasa pangangalaga ng Sampaloc PNP Custodial Facilities para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis.

Pin It on Pinterest