Bayan ng Mulanay, nakatanggap ng relief items mula sa DSWD Region IV-A
Kamakailan ay tumanggap ng mga relief items ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Mulanay sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO at Municipal Social Development Office o MSWDO.
Ito ay alinsunod sa nilagdaang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development at LGU Mulanay na kinatawan ni Mayor Aris Aguire.
Ayon kay MSWDO Head Gerald Dimaano, ang mga relief items ay mula sa DSWD Region IV-A ito ay bilang pagtugon sa MOA para sa relief prepositioning agreement na pag iimbak ng mga family food packs at iba pang maaaring magamit tuwing emergency o anumang sakuna na pwedeng maranasan.
Ang mga nasabing relief items naman ay naka preposition sa warehouse sa bayan ng Mulanay ayon kay MDRRMO Head Willy Lincallo at agad na ipapamahagi sa mga pamilyang nangangailangan matapos maapektuhan ng isang kalamidad o sakuna.
Ipinadala para sa relief prepositioning ang 500 Family food packs, 100 bottle na 6.6 liters at 500ml na tubig, 100 sleeping kits at 100 hygiene kits.
Kasama din sa mga ipinadala ang 100k copy ng Disaster Assistance Family Access Card o DAFAC.
Ang DAFAC ay naglalaman ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa isang pamilya na apektado ng isang kalamidad at mga tulong na kanilang natanggap.
Lubos naman ang pasasalamat ng MDRRMO at MSWDO kasama ang punong bayan Mayor Aris Aguire sa daliang pagtugon ng DSWD IV-A sa Mulanay, Quezon.