Imbis na bulaklak: Pera ang gustong matanggap ngayong Valentine’s Day
Sa pagdiriwang ng araw ng mga puso o Valentine’s Day, sabi ng ilang kababaihan, pakiramdam nila espesyal sila kapag nakatanggap ng bulaklak mula sa kanilang minamahal.
“Parang espesyal ako parang ang saya-saya,’’ ang sabi ni Josephine.
“Mas maganda sa pakiramdam kasi minsan lang naman sa isang taon ito ano e ‘yung makakatanggap ng bulaklak e”, sabi ni Reina.
Sabi ng ilang mainindahan ng bulaklak sa Lucena City Public Market, ilang araw bago ang Feb. 14 sa pagdiriwang ng Valentine’s Day magsisimula na rin na magmamahal ang presyo ng bulaklak asahan na raw ito.
‘’Mayroon pong tataas” sabi ni Ana, tindera ng bulaklak.
Sa ngayon medyo matumal pa ang bentahan pero ang ilang tindera ng bulalak may mga paorder na.
“Mayroon na po marami na po”, Kailan ang pick up noon? 13-12 ganoon o 14 ng gabi”
Ang ilang magbubulaklak inihahanda na ang mga gagamitin sa paggawa ng mga flower bouquet sa mga nais magpagawa upang ibigay sa kanilang mga love ones sa darating na araw ng mga puso.
Nagiging mabenta raw ngayon ang tinatawag nilang mga dried flower na nagkakahalaga ng 400-1500 pesos depende sa design at dami nito, ang dried flower kumpara sa sariwang bulaklak ay hindi nalalanta mas tumatagal daw ang halaga.
‘’Para mas tumatagal daw at laging nakikita daw kaysa sa Rose,” sabi ni Ana, tindera ng bulaklak.
Pero sabi ng ilang tindera may bumibili pa rin naman ng fresh flower.
“Mas maganda yung fresh pa rin”, ang sabi ni Josephine.
Ngayong may kahirapan daw ang buhay, sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, ang ilang kababaihan praktikal na raw sa pagtanggap ng regalo sa pagdiriwang ng araw ng puso.
Kaysa sa bulaklak na regalo, sabi ng ilan pera nalang o di kaya naman ay iyong mga bagay na mapapakinabangan o magagamit sa pang-araw araw ang nais nilang matanggap.
“Sibuyas, mas mahal pa sa bulaklak at magagamit pati araw-araw”, ayaw mo ng bulaklak? Huwag na nalalanta,’’
‘’Practically mga pangangailan na basic”