24 na residente sa Sampaloc, Quezon, nakinabang sa Pangkabuhayan Packages ng DTI Quezon
Nasa 24 na mga residente sa bayan ng Sampaloc, Quezon ang nakinabang sa Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa o PPG ng Department of Trade and Industry o DTI Quezon at ng LGU Sampaloc sa pamumuno ni Mayor Gelo Devanadera.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang nasabing bilang ng mga benepisyaryo ay mula sa iba’t – ibang barangay ng bayan.
Layunin ng naturang programa na pagaanin ang masamang epekto ng mga kalamidad at dulot ng pandemya sa mga maliliit na negosyante sa munisipalidad.
Bukod sa pamamahagi ng business kits sa Savemore Primark Tayabas City ay nagkaloob rin ng libreng sakay sa mga benepisyaryo upang mas madaling maibalik sa kani-kanilang tahanan ang mga napamiling gamit pang-negosyo.
Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa lokal na pamahalaan ng Sampaloc dahil sa inisiyatibong ito.