News

Bayan ng Sto. Tomas at Tanauan City sumoporta para sa mga kababayan at sundalo sa Marawi City

Bilang tugon sa malawakang panawagan ng pamahalaan at iba’t ibang civil at civic organizations ay nagsagawa ang Lungsod ng Tanauan at Bayan ng Sto. Tomas sa Lalawigan ng Batangas ng isang aktibidad upang makatulong sa mga sundalo at sibilyan sa Marawi City. Hanggang sa ngayon ay nakikipaglaban sa Maute Terror Group ang militar na nalagasan na rin ng ilang sundalo. Sa Lungsod ng Tanauan ay personal na nakipag usap si Mayor Antonio Halili sa 8th Infantry Division ng Philippine Army upang ibigay ang tulong mula sa mga mamamayan ng kanilang lungsod. May ngiti namang tinanggap ito ng kasundaluhang nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

Sa Bayan ng Sto. Tomas samantala sa kanilang programa para sa pagtulong pa rin sa Marawi City ay nag-alay ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng isang awitin. Nag-alay din ng isang panalangin ang lahat ng empleyado ng pamahalaan para sa mga nasa Marawi City maging sa pamilya ng mga nasawing sibilyan at sundalo dahil sa bakbakan. Nagpahayag rin ng suporta ang bisita ng Sto. Tomas, Philippine Councilors League Vice President at Parañaque City Councilor Vandolph Quizon sa aktibidad na ginagawa ng bayan ng Sto. Tomas at sa mga nakikipaglaban sa katahimikan ng Marawi City.

Pin It on Pinterest