News

BFP Lucena pinag-iingat ang publiko ngayong holiday season laban sa sunog

Dahil ang sunog ay walang pinipiling oras, lugar at panahon ngayong holiday season kung saan abala ang marami, nagpapaalala sa publiko ang Bureau of Fire Protection – Lucena City na huwag na makalimutan ang mga safety measures laban sa trahedyang pinagmumulan ng apoy, ang sunog kung saan maaaring kumitil ng buhay at tumupok ng mga ari-arian.

“Importante po talaga ang nag-iingat. Sabi nga po namin sa Bureau of Fire Protection ang prevention po ay mas maigi,” sabi ni SFO1 Dennis Antony Pepino, ang shift-B in-charge ng BFP Lucena.

Sabi ng BFP sa panahong ito sa mga tahanan, mas marami ang gumagamit ng mga de kuryenteng kagamitin. Suriin daw ang mga saksakan ng kuryente at tiyaking hind ito overloaded plugging upang maiwasan ang electrical faulty wiring na nagiging sanhi ng sunog. Sa mga kagamitang panluto, dapat na na i-check itong mabuti bago gamitin lalo ang mga hose ng LPG.

Sa pagsalubong ng Bagong Taon kung saan may mga gumagamit ng mga paputok, mas mainam daw na gumamit na lang ng ibang alternatibong pampaingay, iwas na sa disgrasya, maiiwasan pa ang sanhi ng sunog.

“Mas mainam po na gumamit ng ibang means ng pampaingay tulad po ng pagpukpok ng mga kaldero o pagpapatugtog nang malakas para po tayo ay makaiwas sa sunog,” dagdag ni Pepino.

Samantala ngayong Yuletide season, nakaalerto ang buong BFP Lucena. Bukod sa regular na trabaho, mas maigting ang pagpapaalala sa publiko laban sa trahedya dulot ng apoy. Patuloy na nag-iikot sa iba’t ibang komunidad sa lungsod upang magbigyan ng mga tip kung paano maiiwasan ang sanhi ng sunog. May BFP personnel rin sa mga place of convergence upang umagapay sa ano mang magiging aberya kasabay ang pagbibigay ng mga fliers laman ang mga babasahin upang maiwasan ang sakunang dala ng apoy.

“Ang aming tanggapan ay laging bukas para rumesponde sa ano mang kalamidad,” saad ni Pepino.

Pin It on Pinterest