News

Dagdag na ₱150 sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor, aprubado sa komite ng Senado

450 pesos ang arawang sahod ni Joshua bilang pahinante. Dahil sa taas ngayon ng mga bayad at presyo sa mga serbisyo at bilihin, hindi daw sapat ang kanyang arawang kita.

Kailangan na daw ngayon ng dagdag-sweldo

“Kailangan na para matustusan ang pangagailangan, hindi sapat, kulang”.

Ang mataas na inflation rate ngayon ang dahilan kung bakit daw na kailangan na magkaroon ng dagdag umento sa sahod, sabi ‘yan ng ilan.

“Hindi sapat ‘yung kinikita nila sa pang-araw-araw. Halimbawa sa transportation sa mahal at sa pagkain kalahati ng kinikita nila dito na napupunta”.

Samantala, kinokonsiderang nakalusot na sa Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources ang panukalang batas para sa P150 across-the-board wage hike sa lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Nabatid na pag-uusapan na lamang ng komite na pinamumunuan ni Sen. Jinggoy Estrada ang isinusulong na paraan para maibigay ang umento sa mga manggagawa sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Para sa mga manggagawa sana daw ay maisakatuparan ito.

Sabi ng senador, hindi maitatanggi na matindi ang pangangailangan para madagdagan ang sahod para maging sapat sa pangangailangan ng mga pamilyang Filipino.

Si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, ang isa mga awtor ng panukalang batas, maaaring matapos na ang final committee report ukol sa panukala at umaasa siya na maipapasa ito bago ang sine die adjournment ng 19th Congress sa Hunyo.

Nagpahayag ng suporta sa panukala ang iba pang senador.

Pin It on Pinterest