Opinion

DAPAT BANG I-UNFRIEND MO NA ANG KASALUNGAT MO NG PANINIWALA?

Patuloy ang bangayan ng mga netizen dahil sa patutsadahan ng kampo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Vice President Sara Duterte. Marami rito ang hindi na troll o dummy account. Ang iba pa nga magkakaibigan mismo.

Sa ginawang poll ng Bandilyo kung tama bang tanggalin na sa’yong friendlist ang mga kaiba mo ng paniniwala partikular sa pulitika, narito ang kanilang saloobin.

“Wag ka nlng magcomment sa comment or sa post ng friend mo sa kabilang partido…Pero yung matigas ang mukha na mag kontra comment sayo, unfriend mo nlng…para iwas masira friendship nyo or talagang hindi ka nya turing na friend…” – RENE MANGAMPO

“Dun mo malalaman kung kaibigan mo cla o tsismoso at tsismosa lang sa fb mo pag unfriend ka nila.” – ARNEL BAAC

“Respect na lang sa opinion ng iba. Kung anu man opinyon nio hinggil sa pulitika,.yun na yun. May kanya-kanya naman tayong saloobin. Kung iyun ang kanyang saloobin edi “oo” ka na lang. Let them be. Huwag gumawa ng bagay na maaring mauwi p sa sama ng loob.” – EMAN ZUBIA

“Hindi masama mag-unfriend kung kailangan mong protektahan ang mental health mo o kung hindi na healthy ang dynamics ninyo. Pero kung may respeto pa rin at kayang pang ayusin, minsan mas mature na piliin ang pag-unawa kaysa pagputol” – GRETCHEN REANZARES

“Depende sa level of friendship. Kung talagang kaibigan at may pinagsamahan pwedeng i-unfollow, restrict o limited interaction. Pero kung basta kakilala lang at mababaw naman ang samahan i-unfriend na kung toxic at walang respeto.” – SID ABANTO

“Pde nmn friend p din kau respects each others political views dont comments harsh sarcastic words wisdom seein the truth dont comment their mistakes let them see by themselves. God bless pilipinas. Lfs” – JIM STA ANA

“Tama lang i-unfriend ang taong kaiba mo ng paniniwala kung nawawala na ang respeto at nakakaapekto na sa’yo. Hindi obligasyon ang manatili sa koneksyon na hindi na maganda para sa’yo. Paninindigan ay hindi kahulugan ng pag-aaway—kundi ng pagtayo sa panig ng respeto, hangganan, at kapakanan mo.” – MONIQUE TRINIDAD

“Para sakin hindi. Kakatuwa nga andami kong friends na Facebook attorney 🫣 sana next election makita ko na silang natakbo. Lala! Haha” – EJ MANALOTO

“Kami Ng asawa ko magkasalungat din eh ayaw nya ka Duterte dahil sa pagpasok daw Ng mga china.yun lang nmn pero ayaw din daw nya sa pangulo ngayin” – DIVINA OHOY

“Sakin hindi kc mgkakaiba man tayo ng paniniwala ok lng kc my kalayaan tayo pumili ng gusto natin,, respitohin natin paniniwala nila.” CELYADO RANAS

“Kahit nasa demokrasya tayo,dapat ay hindi po iunfriend,igalang ang political views,hindi dapat personalin.” – JIMMY DALEON

“Oo Tama para hndi n cla mag kasamaan p Ng loob at magtalo Kong CNO Ang Tama o Mali sa kanila mga sinusuportahang pulitiko” – PATRICK COLO

Pin It on Pinterest