P50k insentibo ng Mulanay LGU sa gold medalist ng Palarong Pambansa
Pinagkalooban ng insentibo ng Mulanay Local Government Unit (LGU) sa pangunguna ni Mayor Aris Aguirre ang mga atletang mag-aaral na nagdala ng karangalan hindi lamang sa munisipalidad kundi maging sa buong Region 4A.
Inihando kay Palarong Pambansa Gold Medalist Kyle Jan Reyes ang P50,000 habang tig-P10,000 naman ang ibinigay kina Liam Zayn Cabriga at Zaniah Aleyn Moreno na kapwa semi-finalist sa dance sport. Ito ay bilang pagkilala ng pamahalaang lokal sa kanilang ipinamalas na husay at dedikasyon.
Nasungkit ni Reyes ang gintong medalya sa Elementary Boys Discus Throw matapos mairehistro ang 35.54 meters sa paghagis.
“Hindi lang kayo pride ng bayan — inspirasyon kayo ng kabataan!
Sa Mulanay, ang talento at tagumpay ninyo ay tunay na kinikilala at pinapahalagahan!,” saad sa Facebook post ng alkalde.