News

DTI Quezon, namahagi ng tulong sa PDWs sa bayang Gumaca

Ang Department of Trade and Industry – Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa o DTI-PPG ay isang programa sa pagpapaunlad/pagpapanatiling maayos ng pamumuhunan para sa mga maliliit na negosyo o microenterprises

Kabilang sa mga prayoridad na komunidad o lugar na lubhang naapektuhan ng mga kalamidad o ang pangkalusugang sakuna kagaya ng COVID-19.

Layunin nito na mabigyan ng tulong na makabangon sa kanilang munting kabuhayan ang mga maliliit na negosyo sa isang komunidad.

Sa pamamagitan ng DTI-Quezon at sa pangunguna nina DTI-Gumaca Representative Harold Aguilar at PPG Support Staff Marc Lester Ibañes ay 45 na Gumaqueno kung saan ay 36 ang Persons with Disabilities (PWDs)/kamag-anak ng PWDs mula sa nasabing bayan, na may maliliit na negosyo, ang nakatanggap ng biyayang ito.

Pinangasiwaan din ito ni PDAO Head Hamilton Villapando katuwang ang ilang mga barangay kagawad na nangangalaga sa ating mga PWD.

Sinimulan ito sa pamamagitan ng isang programa sa municipal gymnasium na sinundan ng pagpunta sa Puregold Gumaca upang maipamili ang halagang tig-8,000.00 para sa kanilang mumunting kabuhayan.

Pin It on Pinterest