News

‘Code white’, itinaas sa mga ospital sa Calabarzon para sa holiday season

Isinailalim na sa code white alert ang lahat ng ospital sa Calabarzon hanggang sa January 4 bilang paghahanda ngayong holiday season.

Kaugnay nito, naglaaan ang pamahalaan ng higit P200 milyong halaga ng mga kagamitan tulad ng gamot, medical supplies at mga bakuna.

Sa ilalim ng “code white”, ang lahat ng ospital ay kinakailangang maging fully-staffed and fully-equipped sa lahat ng gamot at kagamitan na kailangan para sa mga emergency situation.

Samantala, patuloy ang ginawang pagbabakuna ng ahensiya upang bigyan ng karagdagang proteksyon ang publiko kontra Covid-19.

Matatandaang inilunsad ng DOH Calabarzon ang programang ‘Bakunahang Bayan: Biyayang Proteksyon sa Paskong Pilipino’ noong Disyembre 5 hanggang 7.

Ayon kay Assistant Regional Director Leda Hernandez, layunin nito na mabakunahan ang mga batang edad lima (5) hanggang 11 taon at first booster shots ng mga edad 12 pataas.

Dagdag pa ni Hernandez, ito na ang magsisilbing pamasko ng bawat isa, ang gawing mas ligtas ang pagdiriwang sa darating na Pasko.

Samantala batay sa datos ng DOH CALABARZON, umabot na sa higit 10 milyong indbidwal ang nabakunahan ng primary doses sa rehiyon, habang nasa higit kalahating milyon naman ang naturukan na ng dalawang doses ng Covid-19 booster shot.

Pin It on Pinterest