News

Completion Ceremony ng Community-Based Drug Rehabilitation Program, isinagawa sa Tayabas City

Idinaos kahapon, January 12, 2023 ang Completion Ceremony at Plea Bargain Agreement Recognition of Completers para sa 2nd Batch ng mga recovering persons sa ilalim ng Community-Based Drug Rehabilitation Program sa Balilo Event Center.

Pinamahalaan ng City Social Welfare and Development Office at City Anti-Drug Abuse Council ang programa para sa mga taong nalulong sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot katulong ang iba’t-ibang barangay ng Lungsod ng Tayabas.

Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamimigay ng Sertipiko ng pagtatapos at Plea Bargain Agreement Recognition of Completers sa dalawampung (20) recovering persons.

Dumalo din sa seremonya si PDEA Quezon Provincial Officer Noreen P. Bautista, Asst. PO Rudyard Bartolome, Tayabas CPS Chief PLTCOL Bonna A. Obmerga, CLGOO Fe Roales, LNB Pres. Rommel Barrot, CSWDO Irma C. Ilocario, Pastor Ronnie Sombrero, Silangang Palale Brgy. Chair Ricky Reyes, Angustias Brgy. Chair Jhudee Gob, Anos Brgy. Kgwd. Rommel Banagan, Brgy. Calumpang Brgy. Sec. Tessie Lacopia at mga tauhan ng Tayabas PNP at PDEA-Quezon.

Pin It on Pinterest