St. Ferdinand Cathedral Parish, dinagsa para sa Ash Wednesday
Sa dami ng mga nais na magpalagay ng abo sa noo ngayong Ash Wednesday sa St. Ferdinand Cathedral Parish sa Lucena City, hinati sa apat ang pila ng pagpapahid ng krus na abo.
Para sa mga Katoliko ang abo ng Miyerkules ay hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma ang pagalala sa sakripisyo ni Hesus sa pagtubos sa kasalanan ng sanlibutan at simula ng pangingilin.
‘’Ibig sabihin ang pinaghirapan ni Jesus ay maalala natin at ang ating mga pagkakasala ay ating din maala”.
‘’Simula ng pagsasakripisyo sa mahal na panginoon sa darating na mahal na araw”.
Sinabi ni Reverend Fr. Bienvenido Lozano ang Parish Priest ng St. Ferdinand Cathedral ang pagpapalagay ng krus na abo ay may mga kaakibat na sakripisyo o pag-aayuno.
‘’So hindi lamang tayo ng papakrus may hamon na hinihingi sa atin, gayundin ang araw na ito ay araw ng abstinencia at pag-aayuno pag sinabing abstinencia ay iyung apat na taon pataas ay hindi kumakain ng karne at ang ayuno ‘yung edad 18 hanggang 59 sila ay hindi kumakain husto o full meal na tinatawag at nagsasakripisyo”.
Umaga ng Miyerkules ng abo, dinagsa ng maraming Katoliko ang St. Ferdinand Cathedral para sa misa, sumentro ang humiliya ni Reverend Fr. Lozano sa 3 Pillars of Lent o iyong paglilimos, pananalangin at pag-aayuno.
‘’Dahil ito yoong paraan para tayo ay makapagbigay ng ating sarili at makipag-ugnayan sa ating panginoong Diyos, hindi sapat na basta tayo ay nag aayuno kundi ang ating natitipid ay ito ay ating inililimos at itinutulong sa ating kapwa at mas lalong dinadagdagan ang ating pagdarasal”.
Ang pagpapahid ng abo sa noo ay simula ng panahon ng Kuwarisma ito ay 40 araw na paghahanda bilang pakikiisa sa pagpapasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng ating panginoon na nagsisimula sa miyerkules ng abo at ang inilalagay na abo sa noo ay galing sa sinunog na palaspas na ginamit noong nakaraang taon na nagsisimbulo ng kawalan ng pagiging makasalan.