News

Gen. Luna PNP, pinaghahandaan ang seguridad ng publiko sa simbang gabi

Pinaghahandaan na ng General Luna PNP ang nalalapit na kapaskuhan at ilang security measures para sa taunang simbang gabi na magsisimula sa Disyembre 16. Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Jun Balilo, hepe ng General Luna Municipal Police Station.

Siyam na araw simula Disyembre 16, dadalo ang mga Pilipinong Katoliko sa mga simbahan bago mag-umaga bilang nobena kay Virgin Mary.

Dumadalo ang mga Katoliko sa simbang gabi upang malugod na aabangan ang pagkabuhay ni Kristo.

Nagtatapos ang simbang gabi sa Misa de Gallo, ang Misa na magaganap ng Christmas Eve.

Ayon pa kay Balilo, magiging busy ang mga kapulisan sa bayan ng General Luna sa araw ng simbang gabi upang masiguro na hindi magkaroon ng away ang mga kabataan.

“Magiging busy lalo ang ating mga kapulisan dahil sa gabi ang ating mga kabataan ay kailangan nating mabantayan,” pahayag ni PC/Ins. Balilo.

Samantala, pinaalalahanan naman ng General Luna PNP ang publiko na maging alerto sa mga modus operandi ng mga kawatan, particular na ang Salisi Gang  lalo’t nangunguna pa rin ang pagnanakaw sa pinakatalamak na krimen tuwing Holiday Season.

Pin It on Pinterest