Higit 260 kabataan, nakiisa sa kauna-unahang leadership summit sa Buenavista, Quezon
Tinatayang higit 260 mga kabataan ang nagtipon-tipon sa kauna-unahang Youth Leadership Summit sa bayan ng Buenavista, Quezon.
May tema ang aktibidad na “The Youth of Today, the Perspective of Tomorrow’s Development” na ginanap nitong ika-15 at 16 ng Abril sa Brgy. Poblacion at Brgy. Mabutag.
Inilunsad ng lokal na pamahalaan ang programa na layong linangin at paunlarin ang mga talento at kakayahan sa pamumuno ng mga kabataan.
Iba’t ibang youth groups ang nakiisa sa aktibidad kung saan inilunsad rin ng mga Junior Police na makakatuwang ng Pamahalaang-Bayan at PNP sa pagpapalaganap ng katahimikan at kaayusan sa bayan.
Bilang bahagi ng programa, nagbigay naman ng mga ideya at aral ang ibat-ibang opisyal sa mga kabataan na dumalo sa summit.
Samantala, Inaasahan ng local government na mas marami pang kabataan ang makikiisa sa programa na layong gawin na taon-taon.