hacklink bahislion bahislion giriş bahislion güncel bahislion güncel giriş
News

Kick-off celebration ng National Women’s Month, Isinagawa ng Lucena LGU

Isinagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena ang kick-off para sa pagdiriwang ng National Women’s Month.

Sa naging panayam ng Bandilyo.ph at 89.3 FM Max Radio kay Gender and Development Head Carmi Caparros, sinabi niya na ang kick-off ng National Women’s Month ay daan upang bigyan ng pagkilala ang mga kababahan partikular ang women Empowerment.

Aniya, ang GAD Focal Point System na dapat ipatupad ay ang iliminasyon ng diskriminasyon sa kababaihan sapagkat marami umanong karapatang pangbabae ang natatapakan.

“So ang main trust naman ng women’s month celebration is to promote women empowerment, gender equality and eliminate gender discrimination”.

Ang naturang selebrasyon ngayong taon ay may temang “We for Gender Equality Inclusive Society”.

Dumalo sa selebrasyon sina City Mayor Mark Alcala, City Administrator Anacleto Alcala Jr., Atty. Euclides Forbes, Hon. Judge Eileen D. Lim ng RTC Branch 54, ilang Konsehal ng Sangguniang Panlungsod, mga Departmend Head at mga Kapitan ng Lungsod at iba pa.

Aminado naman ang naging panauhing tagapagsalita na si Hon. Judge Eileen D. Lim ng RTC Branch 54 na hanggang ngayon ay may ilang mga kaso pa rin ng paglabag sa karapatan ng kababaihan na madalas ay mas piniling manahimik kesa magreklamo sa mga awtoridad habang marami naman ang nasampahan ng kaso nitong nagdaang pandemya dahil sa pang-aabuso sa kababaihan.

“Around 12,000 cases in 2021 were against women and more than 6,000 during the first half of 2022 or involve in women in domestic abuse or rape sexual assault yun po yung mga pinagdaan ng mga babae during the pandemic. Hindi pa po kasama dito sa numerong ito yung mga number of women who chose to stay silent inside their own homes kadalasan po kasi ang babae nagtitiis na lang po sa bahay hindi lamang po natatakot sila magsalita, natatakot na masaktan muli ang nakakalungkot po talaga dito ay natatakot tayong makarinig kung ano yung sasabihin ng kapitbahay, makarinig ng sasabihin ng kung ano yung sarili nating kamag-anak”.

Dahil dito ay puspusan ang Lucena City Police Station sa pagsasagawa ng mga seminar na nagsusulong ng kaalaman sa mga karapatan ng bawat kababaihan gayun na rin na mabigyan ang kaalaman ang mga kalalakihan sa mga maaaring kaharaping kaso oras na malabag nila ang karapatan ng kanilang asawa o kinakasama.

Binigyang-diin naman ni Konsehal Manong Nick Pedro Jr., chairman ng Committee on Social Welfare sa kanyang mensahe na importante ang ganitong okasyon dahil nabibigyan ng pagkilala ang mga kababaihan partikular ang women Empowerment.

“Isang pagpapakita na rin sa ating lipunan ng pagpapahalaga rin sa ating mga kababaihan kung minsan ang akala natin ay lahat ng Karapatan, pribilehiyo, lahat ng mga bagay na mabuti ay puro na lang sa mga lalaki. Hindi totoo yun alam natin yon diba? Kaya kinakailangan tulungan din natin ang mga kababaihan para patunayan ang kanilang sarili”.

Sinabi naman ni Mayor Mark Alcala, karamihan sa mga empleyado ngayon ng lokal na pamahalaan ay mga kababaihan dahil mataas ang pagrespeto niya sa mga ito dala ng kinaugalian sa kaniyang pamilya.

“I was raised and I grew up with the 2 of my sisters, my mother tapos si Dra. Joy kasama pa namin sa bahay si Dra. Joy tapos my grandmother so habang nagta-trabaho si Papa with their important to me I am who today because who I am raised by women and most especially yung respect that through sa mga babae is very high kaya kung mapapansin nyo ng bawat isa sainyo ang City Hall is mostly women especially our department heads halos puro babae kasi they complement us”.

Pin It on Pinterest