News

Compact Drainage System, Maaaring Solusyon sa Pagbaha sa Lungsod ng Lucena

Naging problema ang pagbaha sa lungsod ng Lucena dahil hindi daw angkop ang drainage system sa lungsod kumpara sa kasalukuyang panahon at development.

Ito ang pahayag ng Office of the City Planning Development Coordinator, Julieta Aparicio sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick.

“Dahil nga po problema natin nitong nakaraan ang pagbaha at hindi lang ho ‘yun sa malakas na pag ulan kundi dahil tama po ‘yung sinabi nyo hindi angkop yung drainage system natin,” ayon kay Aparicio.

Ayon kay Aparicio na may bagong disenyo ngayon na hindi na daw kinakailangan na maghukay ng mahahabang drainage canal.

Dagdag pa ng Office of the City Planning Development Coordinator na compact drainage ang maaaring solusyon sa nasabing mga pagbaha sa lungsod.

“Hindi nalang ho ‘yun ang solusyon pwede na po ‘yung mga compact drainage system” ayon kay Aparicio.

Aniya, ang compact drainage system ay magkahiwalay na drainage para sa rain water o storm rain at waste water kung saan nanggagaling sa mga kabahayan at establishment upang hindi humalo at mapunta sa mga ilog o dagat sa lungsod.

Ayon pa kay Aparicio dahil daw masyadong magastos ang paggawa ng dalawang drainage canal maaari daw maging alternatibo ang septic vault kung saan regular na lilinisin at dadalhin sa isang treatment area.

Pin It on Pinterest