News

Quezon at Camarines Norte, nagkaisa para paigtingin ang proteksyon ng watershed

Sentro ang pagpapaigting ng mga gawaing magbibigay proteksyon sa critical watershed na nasasakupan ng Camarines Norte at Quezon Province sa naging dayalogo nina Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar at Mayor Severino Francisco ng Labo, Camarines Norte.

Layon ng pagpupulong na makabuo ng isang memorandum of understanding sa pagitan ng Tagkawayan at Labo at mga konsernadong ahensya para sa conservation ng watershed na matatagpuan sa hangganan ng dalawang bayan at magtatag ng Joint-Committee na magpapatupad ng mga batas pang-kalikasan.

Napag-usapan din dito ang pagpapaunlad ng kalidad ng tubig, tuluyang pagtigil ng iligal na pagmimina at pagpuputol ng mga puno.

Ginanap ang pagpupulong nitong Miyerkules kasama ang mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Environment and Natural Resources Office ng dalawang bayan at lalawigan, Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines at ng mga opisiyal ng Barangay Local Government Unit.

Pin It on Pinterest