Free Blood Chem handog sa mga kababaihan sa Atimonan, Quezon
Pangangalaga at magkaroon ng serbiyong pangkalusugan sa mga kababaihan sa bayan ng Atimonan ang isa sa nilalayon ng Asosasyon at Ugnayan ng mga Kababaihan sa Atimonan.
Ang samahang ito ay pinamumunuan ni Mayora Aide Mendoza at Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO na buong pusong sinusuportahan nina Mayor Ticoy Mendoza kasama ang Sangguniang Bayan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month na may temang “We for Gender Equality and Inclusive Society” ay sama-samang ipinakita ang pagmamalasakit at pagpapahalaga ng mga kababaihan sa kalusugan sa muling pagsasagawa Free Blood Chemistry.
Ito ay mula sa tulong ng Rural Health Unit Atimonan kung saan 40 kababaihan ang nabiyayaan ng programa na isinagawa kahapon, March 22, 2023.