News

Kuya Mark Alcala, Balak Ipagpatuloy ang Nasimulan ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala

Yellow card, housing program at iba pa, ipagpapatuloy ni Kuya Mark na sinimulan ng kanyang ama na si Mayor Dondon Alcala.

Ito ang pahayag ni Kuya Mark Alcala, tatakbo bilang alkalde ng lungsod ng Lucena sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.

“Una po syempre Manong Nick ‘yung continuation ng mga nasimulan ni Mayor Dondon, tulad po ng yellow card program natin, ‘yung sa pabahay po sa Don Victor Ville, meron din po tayo noong inaalalayan natin ‘yung atin constituents na mapasakanila na ‘yung lupa, ‘yung sa housing natin po so yun pong mga ganun itutuloy po natin,” ayon kay Kuya Mark.

Aniya, dahil sa pag-iikot n’ya sa lungsod nakita n’yang malaki ang naitutulong sa mamamayan ng mga programang ito tulad na lamang sa yellow card.

Dagdag pa ni Kuya Mark na sa estado ng pamumuhay ngayon na hirap na hirap kailangang may gobyernong matatakbuhan ang mamamayan.

“Kasi po sa pag-iikot ko Manong Nick, di naman sa ano talagang marami pong natutulungan na hindi kaya, hindi naman po sa inaano natin ang capability ng bawat isa sa ating constituents kaya lang minsan sa buhay ‘pag hirap na hirap ka na talaga mas maganda may gobyernong masasandalan ka,” sinabi ni Kuya Mark.

Ayon pa sa Youth Ambassador ng Lucena City na maraming mamamayan sa lungsod ang nagpapasalamat sa mga programang sinimulan ng kanyang ama na ikinabibilib n’ya kaya ito ang nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang mga programang ito.

“Tuwing nag-iikot po ako wala po akong ibang naririnig kung hindi maraming maraming salamat po sa programa po ninyo” pahayag ni Kuya Mark.

Pin It on Pinterest