Lalaki, patay sa pamamaril habang natutulog sa kaniyang bahay sa Mulanay
Patay ang isang 41-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin habang natutulog sa kaniyang bahay sa Brgy. Magsaysay, Mulanay, Quezon nitong Miyerkules, Pebrero 28.
Sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog sa loob ng kaniyang bahay ang biktima dakong alas 12:00 ng hatinggabi nang pagbabarilin ng suspek.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at nagawa pang makatakbo ngunit binawian rin ito ng buhay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng suspek.