LGU Tayabas, namahagi ng tulong-pinansyal sa mga COVID-19 survivors at sa kapamilya ng isang nasawi sa sakit
Namahagi ang Pamahalaang Panlungsod ng Tayabas ng tulong-pinansyal sa mga COVID-19 Survivors at kapamilya ng isang nawasi dahil sa COVID-19 sa Casa Comunidad sa Tayabas City nitong Biyernes, December 9.
Pinangunahan ni Sangguniang Kabataan President Art Tristian Pontioso ang naturang pamamahagi bilang kinatawan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso.
Nasa 44 na Tayabasing survivors ang tumanggap tig-papa P5,000 habang P23,500 naman umano ang natanggap na tulong ng kapamilya ng isang nasawi dahil sa naturang virus.
Ayon sa Tayabas LGU, ang pamimigay ng naturang tulong sa panahon ng pandemya ay bahagi raw ng Emergency Relief Assistance Program ng Administrasyong Reynoso.
Layunin nito na matulungan at maalagaan ng lokal ng pamahalaan ng Tayabas ang mga Tayabasin sa pamamagitan ng patuloy na paglalaan ng pondo para sa nasabing programa.