Mataas na presyo ng sibuyas dapat daw imbestigahan
Sinabi ng Lucenahing si Sabel na dapat daw imbestigahan ng mga mambabatas ang mataas ng presyo ng sibuyas upang malaman kung ano ang dahilan ng pagtaas nito.
“Pwede po eh bakit nga nagtaas ng bigla bigla yung sibuyas na yon. Dati magkano lang ang ¼ ngayon P175.00 ang 1/4 “, Sabi ni Sabel.
Una nang naghain ang Makabayan Bloc para maimbestigahan sa Kamara ang mataas na presyo ng sibuyas.
Bagay na tama lang daw para kay Nanay Marites at Nanay Amie.
“Opo, para malaman nga kung bakit mahal, para makabili naman ng sibuyas kasi yung iba hindi na nabili eh pag nakapag tanong hindi na nag-aano”, pahayag ni Nanay Marites.
“Opo, aba’y sobrang mahal eh tsaka para malaman ang dahilan kung bakit ang taas ng ano ng sibuyas, sibuyas lang naman”, sabi ni Nanay Amie.
Naniniwala ang mga mambabatas na may nangyayaring manipulasyon sa presyo ng sibuyas, na umabot na sa P800 kada kilo ang presyo.
Ang resolusyon ay inihain nina Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel.
Anila ang presyo ng sibuyas ay higit pa sa P570, ang pinakamataas na daily minimum wage sa bansa.
Anila ang farmgate price ng sibuyas noong Nobvember ay P25 hanggang P27 kada kilo lamang.