Breaking News

Mag-ama sa Lucena City, arestado sa pagbebenta ng shabu

Arestado sa Barangay 8, sa Lucena City ang mag-amang sangkot umano sa bentahan ng iligal na droga.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rolando Barlan 59-anyos at ang 37-anyos na anak nito na si Cris Barlan isang contruction worker, batay sa datos Lucena PNP dati na itong may kaso na may kaugnayan sa iligal na droga at kasalukyang kabilang sa Street Level Individual.

Sa report ng Lucena Police, pasado alas 6:00 ng umaga ng October 1, 2022 nang madakip ang dalawa sa isang joint buy-bust operation ng mga tauhan Drug Enforcement unit ng Lucena PNP, Quezon Provincial Drugs Enforcement Unit, Quezon Maritime Police, CIDG Quezon at RIU Quezon sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Purok Pagkakaisa.

Positibo umanong nabilhan ng ilegal na droga ng isang pulis na nagpanggap na buyer ang mga suspek.

5 sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa mag-ama na mahigit 19, 000 pesos ang street value.

Nabawi ang isang 500-Peso bill na ginamit bilang buy-bust money.

Ang pagkakadakip umano ng mga sinsasabing tulak ng iligal na droga at bunsod ng mga sumbong ng nasa komunidad. Nakaditine na dalawa sa costudial facility ng Lucena City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Pin It on Pinterest