Mga kabataan ng Atimonan sumailalim sa pagsasanay ng DRRMO
Para maging handa sa oras ng pangangailangan ay nagsagawa ang Atimonan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng isang training seminar para sa mga kabataan. Katuwang ang isang eskwelahan at mga estudyante nito ay sumailalim sa pagsasanay at lecture ang mga kabataan tungkol sa natural Hazards, mitigation and adaptation at basic first aid na pinangunahan ng MDRRMO. Mahigit dalawang daang estudyanteng kabataan ang lumahok at sumailalim sa pagsasanay sa pagliligtas ng buhay ng tao at pangunang lunas sa mga nangangailangan sa oras ng sakuna o anumang natural disaster. Nagsimula ang pagsasanay ganap na alas-otso ng umaga at natapos naman ng alas-singko ng hapon araw pa rin ng Sabado.
Nagpasalamat naman ang pamahalaang lokal ng Atimonan at DRRMO sa pakikiisa ng mga kabataan upang sila ay mabigyan ng kaalaman para harapin ang hamon ng kalamidad.