NewsRegional

Mga pasahero ng bus, sapilitang pinababa dahil sa kakaibang ‘bomba’

Viral ngayon sa social media ang kakaibang “bomb threat” na naranasan ng mga pasahero ng bus patungo sa Taytay, Rizal.

Sa Facebook Post ng isang nagngangalang Remi Roberto, sapilitang pinababa ang mga commuter dahil sa mayroon umanong nagpasabog ng “fart bomb” na tinuturing ng iba na laruan o pang-prank na kapag sumabog ay mas mabaho pa sa utot ng tao.

Maririnig sa naturang video ang pagmumura ng isang pasahero at sinabing marami ang naabala dahil may nagpaputok umano ng fart bomb sa loob ng bus dahilan para maantala ang kanilang byahe.

Umabot na ang 1.2 million views at may 42k shares ang video habang isinusulat ito.

May larawan o video ka bang nais ibahagi sa mga netizen? Ipadala lamang ito sa aming Facebook Page para ma-feature at maging isa kang Bandilyo CitizenCorres.

Pin It on Pinterest