News

Mga pulis na mangingialam sa eleksyon, isumbong upang maparusahan

Isumbong ang mga police personnel na namumulitika o makikialam sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, ‘yan ang sabi mismo ni PLtGen. Rhodel Sermonia, ang Deputy Chief ng PNP for Administration sa pagbisita nito sa Quezon Police Provincial Office.

Sa isang press conference, sinabi ni Gen. Sermonia na ang sino mang pulis na mapapatunayan na lumabag sa Omnibus Election Code ay tiyak na mapaparusahan.

Ang pagpapanatili lamang ng peace and order at public safety at hindi makisawsaw sa eleksyon pang-barangay man, lokal o nasyunal ang dapat na trabaho ng kapulisan.

Ito ang naaayon sa batas, ang sabi ng ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng pambansang pulisya.

Ang press conference ay bahagi ng pagbisita ni PLtGen. Sermonia sa Quezon PNP upang maipaalala sa lahat ng kapulisan sa lalawigan ang mga tungkuling dapat gawin at pagpapatupad ng kanilang organisasyon sa tatlong mahahalagang polisiya: una dito ang internal diciplinary mechanism policy, pangalawa ay iyong police operational procedure, ang pangatlo ang pagpapaalala sa doctrine command responsibility sa lahat ng police personnel. Bahagi ito ng lalo pang pagpapataas ng moral sa kanilang organisasyon.

Pin It on Pinterest