News

P10K na insentibo para sa mga Nonagenarian ng bayan ng Atimonan, aprubado sa SP Quezon

Aprubado sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang pambayang ordinansa ng Atimonan, Quezon na magbibigay insentibo sa halagang sampung libong piso sa sino mang nakakatandang sektor sa kanilang munisipalidad na aabot sa edad na 90.

Ang lokal na batas ay tinawag na ‘’Nonagenarian Ordinance of Atimonan, Quezon.

Sa ilalim ng Committee on Social Welfare na pinamumunuan sa Sangguniang Panlalawigan 2nd District boardmember Vinnette Alcala-Naca ang Municipal Ordinance No. 2022-372 na ito ng Municipality of Atimonan na may pamagat na “An Ordinance Granting One-time Cash Incentive Award of Ten Thousand Pesos to any Senior Citizen Who Reached the Age of Ninety Years Old” ay masusi raw na pinag-aaralan sa komitibang pagdinig bago ipinasok sa plenaryo at idaan sa pag-apruba.

‘’Noong nagsagawa po tayo ng committee hearing regarding po sa nasabin ordinansa napagalam po natin ito ay walang nilalabag na batas kung kaya po ang komitiba ko idinedeklara na valid ang nasabi pong Municipal Ordinance”

Sa deleberasyon umaga ng Feb. 20, 2023 unanimously approved sa legislative bodies ang naturang ordinansa.

Sa naturang bayan sa tala sa pag-uulat ni Bokal Naka, may 89 Nonagenarian sa kasalukuyan o benepisyaryo ng naturang ordinansa.

Ang pondo na gagamitin dito may manggagaling sa Municipal Social Welfare na kukuning Supplemental budget ng Atimonan LGU.

Pin It on Pinterest