News

Gasolinahan na lang daw ang tila ipinaghahanapbuhay ng mga tsuper sa taas na presyo ng langis

Isang beses lamang daw kung magbaba ng presyo, kung magtaas naman daw ay sunod-sunod, iyan ang sentimenyento ng ilang tricycle driver sa Lucena City kaugnay ng price adjustment ng petroleum products.

Ito ay matapos na bawas-presyo sa langis noong nakaraang linggo, matapos ang ilang linggong sunod-sunod na price hike, sumabalit ngayong araw February 21 may pagtaaas na naman ng presyo ng produktong petrolyo.

“Nakakagalit na ang gasolina, nataas, nababa eh”.

Tila daw mga oil companies na lamang ang ipinaghahapbuhay nila sabi ng tricycle driver na si Abel, halos wala na daw silang kinikita.

“Parang gasolinahan na lang ang ipinaghahanapbuhay namin, wala ng kinikita. Mataas eh, matakaw pa sa gasolina ang tricycle,” sabi ng tricycle driver na si Abel.

Sa pamamasada ni Mamang Mario, kumikita lamang daw siya ngayon ng nasa 500 piso, iaawas pa dito ang para sa boundary at para sa gasolina, halos wala na daw na natitira para sa pamilya.

“Kikita na lang ako ng 500 tapos bawas sa gasolina, i-boundary ang isang daan, isang daan ang kinikita. Wala ng kikitain, ang kumikita ay maggagasolinahan. Gasolinahan na lang ang pinaghahanapbuhayan naming,” sabi ni Mamang Mario.

₱0.70 hanggang ₱0.90 ang itinaas presyo ng kada litro ng diesel habang ₱0.50 hanggang ₱0.70 ang gasoline sa mga oil company sa bansa.

Paliwanag ng Department of Energy (DOE), ang panibagong taas-presyo ay posibleng bunsod ng mga ulat na magbabawas ng produksyon ng krudo ang Russia.

Pin It on Pinterest