News

2 linggong sunod na oil price rollback hindi pa rin sapat

Magkakasunod na nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis bagamat magandang balita ito kahit paano sabi ng ilang motorista sa Lucena City hindi pa rin daw ito sapat, nanatili pa rin na mataas ang presyo ng produktong petrolyo.

‘’Sana mas bumababa pa po.”

Hirit pa ng mga jeepney driver sa dapat daw na masundan pa ang oil price rollback ng sa ganoon kahit paano raw makapantay man lamang sa noo’y sunod-sunod na dagdag presyo.

‘’Ibaba pa nila ng kaunti pa para naman masiyahan ang mga jeepney driver.”

“Hindi pa rin, kulang pa rin e kailangan ay mga 50 ang litro para naman kumita kami.”

Umaga ng May 2, 2023 ipatupad ng mga oil companies ang P1.50 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon naman P1.30 ang bawas sa kada litro ng diesel at P1.40 naman ang bawas sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang pangalawang sunod na linggo nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang produkto hindi pa ito sapat sabi ng maraming tsuper.

“Kaunti pa ang ibinababa e.”

Itinuturong dahilan naman ng Department of Energy (DOE) ang pagbababa ng demand sa mga langis sa world market.

Samantala, bagamat hindi na raw nakakagulat pero nangangapa pa rin ang mga tsuper sa pagtaas nito, sabi nila tiyak na sunod-sunod na naman at malaki.

‘’Malaki naman ang itinataas, pero pag baba kaunti lang.”

Sabi ng mga jeepney driver bumaba man lang sana ng 50 pesos ang kada litro ng diesel ay ok na kahit papaano.

Pin It on Pinterest