News

Pasahero sa Lucena City Grand Central Terminal, hindi pa dumadagsa, ilang araw bago ang Holy Week Vacation

Sunod-sunod ang dating ng mga bus sa Lucena City Grand Central Terminal sakay ang mga pasaherong galing sa Metro Manila na uuwi sa kani-kanilang mga probisya para sa bakasyon ngayong holy week.

Gaya ni John Mark mula sa Paranaque kasama ang kanyang mag-iina, uuwi sila ng Romblon.

‘’Sa Romblon isang Linggo lang.”

Umaga ng Martes Santo, bagamat may mga mananakay pero hindi pa dagsa ang mga pasaherong uuwi sa kanilang mga probinsya kahit na may ilang mga pasahero ang maaga ngayong magbakasyon.

Ang ilang bus na biyaheng pasilangan ng Quezon halos hindi pa kaagaad mapauno ng mga pasahero.

Ganoon din ang mga pampasaherong van sa terminal, ang ilang pasahero natatagalan bago makaalis.

Pero sabi ng mga driver kumpara sa mga ordinaryong araw, kahit paano maganda naman ang kanilang biyahe ngayon.

Ganito rin ang sitwasyon ng mga bus sa naturang terminal na biyaheng Bicol, natatagalan pa bago mapuno upang makaalis.

Ang bus driver na si Mamang Marco kundisyon daw ang kayang katawan kaisipan para sa mahabang biyahe ganoon din ang kanyang bus minamaneho.

‘’Posible na bukas daragsa ang mga pasahero.”

Ang mga food stall sa loob ng terminal kakaunti ang mga kumakain indikasyon na kakaunti pa ang dating mga mananakay.

Pin It on Pinterest