News

Q1K pormal na inilunsad sa Tayabas City

Pormal nang inilunsad sa Lungsod ng Tayabas ang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon na Q1K o Quezon’s First 1000 Days of Life na nakatuon sa kapakanan ng mga ina at isisilang na sanggol ng mga ito. Sa paglulunsad ay dumalo si Quezon Governor David Suarez, asawa nitong si ALONA Partylist Cong. Anna Marie Suarez, ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, Tayabas City Mayor Aida Reynoso at Sangguniang Panglunsod. Sa paglulunsad ng programa ay naroon din ang technical working group ng Q1K at nagsagawa ng pakikipag-usap at konsultasyon sa mga dumalong buntis mula sa Lungsod ng Tayabas.

Ang Quezon’s First 1000 Days of Life ay programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na naka-focus mula sa pagka-buntis pa lamang ng isang ina hanggang sa ikalawang taong gulang ng bata. Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, ang unang isang libong araw ng isang bata an

g pinaka-kritikal o importanteng yugto ng buhay. Sa maayos na pangangalaga nito ay malaki anila ang tsansang maging isang produktibong mamamayan sa darating na panahon ang isang bata.

Pin It on Pinterest