News

REACT Philippines PAGLUTAS, namahagi ng mga sports equipment sa isang paaralan sa Tayabas City

Namahagi ngayong araw ng sport equipment ang REACT Philippines PAGLUTAS Group sa Alsam Elementary School ng Barangay Alsam sa Lungsod ng Tayabas.

Ilan sa mga ipinamahagi ay chess board, digital chess timer, volley ball net, badminton net, raketa at iba pa.

Ang mga nasabing sports equipment ay personal na inihatid nina Niñel Pedro, Group Chief, Erick Calvario, Deputy Group Chief, Luis Quinto, Deputy Group Chief for Administration, Jing Surio, Deputy Group Chief of Operation at si Dating Konsehal Porcie Baasis.

Ayon kay Dr. Larvin O. Labrada, Head Teacher III ng naturang paaralan, labis silang nagpapasalamat sa REACT Philippines PAGLUTAS dahil makakatulong ang mga sports equipment sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan sa mga mag-aaral.

“Itong mga sports equipment ay makakatulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng mga mag-aaral and at the same time ay the whole wellness na ating mga mag-aaral ay patuloy natin maipo-promote kasi hindi lamang layunin natin ay mapaunlad ang antas ng pag-aaral bagkus ay yung total development ng ating mga mag-aaral.”

Aniya, tamang tamang ito dahil isa ang mga larong pampalakasan sa mga nais na tutukan o palakasin ng paaralan para sa mga estudyante.

“Kasi naniniwala tayo na may indibidual differences ang mga mag-aaral may kanya kanyang husay ang mga mag-aaral dahil diyan binibigyan natin ng karapatan na mag-excell at malinang kung ano ang kahusayan na meron sila.”

Sinabi naman ng Group Chief ng REACT Philippines PAGLUTAS na si Niñel Pedro na patuloy ang kanilang pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo bilang pagsuporta kaugnay sa estado ng edukasyon at kalusugan ng mga mag-aaral.

“Nandito uli ‘yung React Paglutas para sa kahit papaano sa maliit na bagay ay makatulong po yung aming grupo sa mga eskwalahan dito sa Tayabas City.”

Tiniyak naman ng pamunuan ng paaralan na ang mga naturang equipment ay kanilang iingatan at gagamitin ng maayos para magamit pa ng mga susunod na kabataan.

“Definitely yung mga sports equipment na natanggap natin ngayon ay ating pagyayamanin lalo’t higit yung ating mga volleyball, chess and lahat ng idinonate sa atin.”

Bilang pasasalamat naman ng mga guro sa React Philippines Paglutas Group ay nagkaloob ang pamunuan ng Alsam Elementary School ng Certificate of Recognition dahil sa walang pagsuporta nito sa paaralan.

Ang REACT Philippines PAGLUTAS ay isang radio communication enthusiasts o grupo na boluntaryong nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo.

Ang PAGLUTAS ay grupo mula sa REACT Philippines na nakabase sa Lungsod ng Tayabas.

Pin It on Pinterest